-- Advertisements --

Arestado ang dalawang Chinese nationals na umano’y sangkot sa kidnapping noong Biyernes, Setyembre 15, sa hiwalay na lugar sa lungsod ng Lapu-lapu sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Judge Annie Marie Militante ng RTC Branch 53 ng lungsod.

Nakilala ang mga naaresto na sina Tuanjie Lin, 50 anyos, at Ji Chenglong, alias “Yang-Gou/Jay/Jayson” 33 anyos at umano’y mga kasamahan ng 4 na Chinese nationals na napatay noong Mayo nitong taon sa nasabing lungsod.

Inihayag ni P/Lt. Zosimo Ravanes, team leader ng Anti-Kidnapping Group-Visayas Field Unit (AKG-VFU) na positibo pang kinilala ng mga testigo si Lin na umarkila ng Toyota Innova na ginamit sa pagkidnap sa biktimang si Lyu Xingou, 70 anyos, noong Mayo 25 habang si Ji na isang may-ari ng isang travel agency mula sa Fujian, China ang nagbigay sa lahat ng detalye tungkol kay Lyu.

Nakadetain na sa BJMP Lapu-lapu ang mga suspek at nasampahan na rin ito ng kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention.

Sinabi pa ni Ravanes, may isa pa umanong at-large na siyang lider base na rin sa record ng mga otoridad.

Matatandaan na noong Mayo 30 napatay ang apat na Chinese kidnappers sa lungsod matapos nanlaban sa mga operatiba.

Dagdag pa na malaki ang impact ng pagkaaresto ng dalawa sa Cebu lalung-lalo na sa lungsod ng Lapu-lapu na may mga maraming Chinese investors.

Isa pa umano itong patunay na kontrolado dito ang “crimes against kidnapping” dahil sa agarang aksyon.