CAUAYAN CITY- Inaresto ang number 2 at number 3 most wanted person municipal level na dalawa sa apat na pinaghihinalaan na nang-gang rape sa isang dalagita sa Brgy. Calamagui North, Santa Maria, Isabela .
Dinakip ang dalawang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Felipe Jesus Torio III ng Regional Trial Court Branch 22, Cabagan, Isabela para sa kasong rape na walang inirekomendang piyansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCaptain Rogelio Natividad, hepe ng Santa Maria Police Station na una na umanong nadakip ang 2 kasamahan ng mga suspek na sangkot sa pag gang rape sa isang menor de edad.
Ang biktima ay dinala sa pangangalaga ng Cagayan Valley Regional Rehabilitation for Youth at nasa mabuti nang kalagayan.
Magugunitang bago isagawa ang gang rape ay nag-inuman ang apat na pinaghihinalaan kasama 16 anyos na biktima .
Makaraang malasing ang biktima ay dinala ng mga suspek ang sa isang sementeryo sa nabanggit na bayan at doon isinagawa ang panggagahasa.
Idinagdag pa ng hepe ng pulisya na nagtago umano ang magpinsan sa Maynila kayat noong napag-alaman na umuwi ang mga ito sa lalawigan dahil sa general community quarantine ay kinuha na umano ng mga otoridad ang pagkakataon upang arestuhin .
Dinala na sa himpilan ng pulisya ang dalawang suspek para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.