NAGA CITY – Sugatan ang dalawa indibidwal matapoos na tagain ng kainuman ng mga ito sa Brgy. Putol, Dolores, Quezon.
Kinilala ang mga biktima na sina Reggie Iwarat, 45; at Roger Atienza, 26, residente ng nasabing lugar.
Sinabi ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) na sa gitna nang kanilang inuman kasama ang suspek si Joshua Punzalan, 23-anyos, nang magtalo ang mga ito.
Kasunod ng kanilang pagtatalo, nagdesisyon sina Iwarat at Atienza na umuwi na lamang sa kanya-kanyang bahay subalit bigla na lamang silang hinabol ng suspek at pinagtataga gamit ang isang bolo.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima, na kaagad namang isinugod sa ospital.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.