Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ang sanhi sa pagkasunog ng barkong MV Trans Asia 1 kaninang madaling araw sa karagatang sakop ng Sitio Lupa, Punta Engaño, Lapu-Lapu City.
Dalawang miyembro mula sa anim na tripulante naman ang naitalang sugatan.
Nakilala ang mga ito na sina Jiryl Joy Narte, 23 anyos, na nakakaranas ng hirap sa paghinga; at Jundel Cabahug, 22 anyos, na nagtamo ng 1st degree burn sa kanyang likod.
Naiulat ang sunog dakong ala-1 kanina ng madaling araw at naapula alas-5:45 ng umaga.
Ayon pa sa mga otoridad, lahat ng crewmember kabilang ang isang security guard na nagbabantay sa vessel ay nailigtas ng Lapu-Lapu Rescue Team.
Nahihirapan pa ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa layo ng barko sa baybayin.
Sa nakalap na impormasyon, lumalabas na ang barko na pag-aari ng Trans Asia Shipping Lines Inc., ay naka-angkla sa karagatan ng nabanggit na lugar habang sumasailalim ito sa pagsasaayos matapos sumadsad dahil sa pananalasa ng bagyong Odette.