-- Advertisements --
Ibinunyag ng gobernador sa Belgorod region sa Russia na dalawag sibilyan ang nasawi sa ginawang missile attack ng Ukraine sa kanilang border.
Ayon kay Governor Vyacheslav Gladkov na bukod sa nasawi ay mayroong isang katao pa ang nasugatan na kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.
Ang nasabing mga biktima ay ilan lamang sa mga ilang daan ng mga sibilyan na nasasawi dahil sa missile attack ng Ukraine sa kanilang rehiyon.
Itinanggi naman ng Ukraine military ang insidente kung saan kagagawan rin ng Russia ang nasabing pagtama ng mga rocket sa border nila kung saan naroroon ang mga sibilyan.