-- Advertisements --
Plano ng Estados Unidos at Pilipinas na magsagawa ng 2-plus-2 meeting sa pagitan ng mga matataas na diplomatic at defense officials sa Maynila sa buwan ng Marso.
Ito ang kinumpirma ni PH Ambassador to US Jose Manuel Romualdez kung saan kasalukuyan pang work in progress ang naturang plano.
Sa naturang pagpupulong, inaasahang makikipagkita sina US Secretary of State Antony Blinken at Secretary of Defense Lloyd Austin sa kanilang counterparts na sina DFA Sec. Enrique Manalo at Defense Sec. Gilberto Teodoro sa Marso.
Kung sakali, ito ang kauna-unahang dayalogo na dito sa Pilipinas gagawin mula ng simulan ang naturang 2-plus-2 meeting noong 2012.
Hindi naman binanggit ng PH envoy kung ano ang mga magiging agenda ng pinaplanong pagpupulong.