Patay ang dalawang Pinay habang sugatan ang apat na iba matapos sagasaan sila ng isang sasakyan sa Singapore.
Naganap ang insidente sa labas ng Lucky Plaza shopping center kung saan nawalan umano ng kontrol ang isang sasakyan at bumangga sa mga metal railing hanggang dumiretso sa kinaroroonan ng mga anim na Filipina pasado alas-4 ng hapon nitong Linggo.
Sinabi ni Minister and Consul General Adrian Candolada ng Philippine Embassy sa Singapore na dalawa ang nasawi, dalawa ang nasa Intensive Care Unit (ICU) at dalawa ang nakaligtas.
Nasa edad 29 at 35-anyos ang mga biktima na itinakbo sa Ton Tock Seng Hospital.
Nakipag-uganayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga kaanak ng mga biktima na nasa Pilipinas habang tiniyak naman ng mga employer ng mga biktima ang tulong para sa kanila.