-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang pinaniwalaang dalawang katao habang apat ang sugatan sa madugo na banggaan sa pagitan ng prime mover truck at wing van na kapwa kargado ng kani-kanilang mga dala na produkto sa Sayre highway,Sitio Damay,San Vicente,Sumilao,Bukidnon.

Kinilala ni Sumilao Police Station commander P/Lt Sunday Apan ang mga nasawi sina Roberto at Veronica Labtaja na taga-Poblacion,Tupi,South Cotabato habang nakaligtas subalit seryoso ang mga sugat ng kanilang helper na si Christian Garcia na taga-Impasug-ong,Bukidnon.

Sinabi ni Apan na kasalukuyan rin na binigyang medikasyon ang mga nakasakay ng wing van na sina Ralph John,Felix at Vivian na pawang nag-apelyido ng Diama na umano’y taga-Davao region.

Mabilis na dinala ang mga biktima sa Sumilao Health Center ang mga lulan ng prime mober subalit kapwa dead on arrival nang maasikaso ng mga doktor.

Sa inisyal na imbestigasyon,nawalan ng kontrol ang driver ng wing van dahil sa sobrang bigat na karga ng scrap metals dahilan na napilitan itong napasok ang opposite lane at nasalubong ang prime mover.

Sa ngayon,patuloy na pinabantayan ng pulisya ang driver ng win van habang binigyan ng medikasyon sa Malaybalay City simula kahapon ng hapon.