-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang dalawang lallaki matapos nagkabanggaan ang motorsiklo at kulong-kulong na sinakyan ng mga ito sa Brgy. Baay, Batac City.

Nakilala ang driver ng motorsiklo na si Reymond Tabulinar y Ensienzo, 38, may asawa at residente ng Brgy. Poblacio, Currimao habang ang driver ng kulong-kulong ay si Leopoldo Pascua y dela Cruz, 44, may asawa, contsruction woker at residente ng Brgy. Baay sa nasabing siudad.

Base sa imbestigasyon ng PNP-Batac, patungong hilagang direksyon ang motorsiklo ng biglang mabangga nito ang tatawi sa kalsadang kulong-kulong.

Dahi sa lakas ng impact, parehong tumilapon ang ang dalawang driver dahilan ng agarang pagkamatay ng mga ito.

Samantala, ang isang angkas sa kulong-kulong ay nagtamo ng mga sugat sa katawan at iniinda ang sakit sa katawan.

Samantala, hindi pa makumpirma ng PNP kung nasa impluwensya ng alak ang mga namatay habang hinhintay ang resulta ng breath analyzer sa nasugatang biktima.