-- Advertisements --

Hindi nagtamo ng pinsala ang mga power plant sa Batanes sa kabila ng serye ng mga lindol sa probinsya kahapon, Hunyo 28.

Ayon sa Batanes Electric Cooperative (Batanelco), nakumpleto na nila ang kanilang isinagawang inspeksyon, kabilang na ang direktang naapektuhan ng lindol.

Maging ang mga underground na linya ng kuryente ay hindi rin aniya nagtamo ng pinsala.

Sa katunayan, may kuryente anila sa mga lugar ng Basco at Sabtang islands.

Sa kabilang dako, nakahanda ang Itbayat Diesel Power Plant na magsimula ng kanilang operasyon sa oras na magsimula ang distribution uli ng Batanelco.