Aabot na umano sa dalawang milyong Pilipino ang masailalim sa COVID-19 test pagdating Agosto.
Pahayag ito ni testing czar Vince Dizon sa isang press briefing sa Quezon City kaninang tanghali.
Sinabi ni Sec. Dizon, tiwala siyang magagawa ito ng gobyerno dahil una ng nalagpasan ang target na 30,000 tests kada araw noong Hulyo matapos makapagsagawa ng 33,000 tests.
“Halos 1.4 milyon na po ang na-test natin, at kampante po tayo na hihigit sa dalawang milyon ang mate-test sa buwan ng Agosto,” ani Sec. Dizon.
Batay sa record ng Department of Health (DOH), nakapag-test na ng 1.32 million Pilipino noong Hulyo.
Inihayag ni Sec. Dizon na ang nasabing bilang ay mas malaki na kumpara sa nagagawa ng Malaysia (932,000), Japan (780,000) at Indonesia (700,000).
















