-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang dalawang lalaki matapos na makuryente sa Agdangan, Quezon.

Kinilala ang biktima na sina Federico Ursula, 40-anyos, at Gerry Ligua, 30-anyos residentes ng Barangay Ilayang Bulo, Unisan sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap impormasyon kan Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang kumuhan ng panggatong ang isang Arlie Durana nang matagpuan nito ang mga biktima sa isang sapa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na una nang na-i-report sa Unisan Municipal Police Station na nawawala ang mga biktima.

Ayon sa mga kamag-anak ng mga ito, Marso 22, 2023 ng umalis sina Ursula at Ligua upang manghuli ng alimasag at hipon hanggang sa matagpuan na lamang ang mga ito na wala ng buhay.

Sa ngayon, nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awotoridad hinggil sa nasabing insidente.