-- Advertisements --
DAVAO CITY – Ipinasara ngayon ang dalawang mga ice plant sa Toril sa lungsod ng Davao matapos mapag-alamang nagpositibo ito sa bacteria sa isinagawang eksaminasyon ng Davao City Health Office.
Ayon kay Dr. Ashley Lopez, hepe ng Davao CHO, nagsagawa sila ng sample testing mula sa mga ice na ibenebenta ng dalawang mga ice plant sa Toril.
Napag-alaman din na dito madalas kumukuha ng yelo ang mga street food vendors ng Toril.
Nadiskubre ng otoridad na hindi umano swak sa environmental sanitation code ang pinagkukunan ng tubig ng ice plant kabilang na din na marami umano silang vioaltion na nagawa.
Sa kasalukuyan, kinansela ang mga lisensya at operasyon ng nasabing mga planta.