-- Advertisements --

22

Posibleng mabuo ang tatlo hanggang apat na tropical cyclone at pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa buwan ng Hulyo.

Batay sa naging anunsyo ng state weather bureau, ang mga nasabing bagyo ay maaaring maglandfall sa Mainland Luzon at Eastern Visayas.

Maaari ring magpapalakas ang mga ito sa soutwest monsoon o hanging habagat.

Kasabay nito, patuloy na pinapaalalahanan ng weather bureau ang publiko na manatiling alerto sa mga sama ng panahon na maaaring mabuo o pumasok sa PAR, lalo na at laging nagiging daanan ng bagyo at iba pang kalamidad ang bansa.