-- Advertisements --

DUMAGUETE CITY – Sa kulungan ang bagsak ng dalawang high value individual kasunod ng isinagawang operasyon kaninang madaling araw, Hulyo 25, sa Barangay Bagacay, Dumaguete City matapos masabat ang halos dalawang milyong halaga ng shabu.

Nakilala ang mga naaresto na sina Janjan Banaldia, 21 anyos, residente ng nabanggit na lugar at Jovic Nano, 24 anyos na tubong Lanao Del Norte.

Nakumpiska mula sa posisyon ng naaresto ang 280.56 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.9 million pesos.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.