LAOAG CITY – Naaresto ang dalawang driver sa border control ng Ilocos Norte at Cagayan partikular sa bayan ng Pagudpud dahil sa pamemeke ng antigen test result.
Ayon sa PNP-Pagudpud, ang mga nahuli ay 32-anyos at 44-anyos, parehong residente sa Claveria Cagayan at nagtatrabaho sa isang LPG Company sa bayan ng Sanchez Mira sa naturang lalawigan.
Nabatid na ang mga ito ay papunta sana sa lalawigan ng Bulacan ngunit nang nasa border checkpoint na sila ay pinatigil muna ng mga pulis para ma-check ang mga dokumento.
Dito na naghinala ang mga pulis dahil walang resibo na ipinakita imbes ay recieving form.
Dahil dito, tumawag sila sa MHO sa bayan ng Sanches Mira at dito nila nalaman na hindi umano ng-isyu ang health office ng antigen test result ng mga naturang driver.
Sa ngayon ay nasa kustudiya na ng PNP ang mga driver at posibleng masampahan ng kaukulang kaso.