-- Advertisements --
Kanselado ang dalawang domestic flight ngayong bisperas ng Pasko.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) ito ay dahil sa nararanasang masamang panahon sa kanilang destinasyon.
Ang flight na kanselado ay:
Cebgo (DG)
DG 6177/6178 Manila-Masbate at Masbate-Manila
Ginawa ang kanselasyon ng flight bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga crew at pasahero ng eroplano.
Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa rebooking at refund ng kanilang ticket.