-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pormal sinampahan sa City prosecutors office ang natalong vice presidential candidate na si Walden Bello ng two counts of libel base sa kasong isinampa laban sa kanya ng dating information officer ng Davao City na si Jefry Tupas.

Sa pitong pahina na resollution na inaprubahan noong June 9, isinulat ni Prosecutor Jose Charito Cortez na
“all the elements of libel are present” base na rin sa akusasyon laban kay Bello.

Sa ngayon hindi pa nagpalabas ng anumang koomento ang kampo ni Bello, pero mamari pa umano itong mag-file ng motion for resonsideration sa City Prosecution office o kaya sa Department of Justice.

Ang naturang resolution na inaprubahan ni City Prosecutoir Jophee Avancena, binasura nito ang pahayag ni Bello sa kanyang counter affidavit na hindi siya ang adminsitrator ng “Walden Bello” account sa facebook , maliban pa na bigo rin itong tukuyin kung si ang naturang administrator.