LAOAG CITY – Dead on the spot ang dalawang binata matapos ang aksidente sa Batac-Paoay road, bahai ng Barangay Quiling Sur sa lungsod ng Batac.
Kinilala ni Police Lt. Col. Mar Louise Bondoc,chief of police ng PNP-Batac ang mga biktima na sina Emmanuel Sadian, 25-anyos, driver ng motorsiklo at ang backrider nito na si Christian Dave Pacubat, 22-anyos, parehong residente ng Barangay Salbang sa bayan ng Paoay.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Bondoc na nag-inuman ang mga biktima sa kanilang bahay ngunit pumunta pa sa isang bahay painuman sa lungsod ng Batac.
Inihayag nito na pauwi na ang mga biktima ngunit dahil sa bilis ng takbo ng kanilang motorsiklo ay nawalan ng control sa manibela ang driver dahilan ng pagkakabangga nila sa gate ng isang dormitoryo at pavement post.
Nabatid na walang suot na helmet ang mga biktima habang nakasakay sa motorsiklo.