-- Advertisements --
harry roque

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-alis ng dalawang barko ngayong araw papuntang Bacolod, Iloilo at Cagayan de Oro para maghatid pauwi sa mga locally stranded individuals (LSIs).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi sakop ng ipinatutupad na moratorium sa pagpapauwi ng mga LSIs ang batch na ito dahil nauna na ng naproseso ang kanilang biyahe bago pa man maipatupad ang pansamantalang pagpapatigil sa pagpapauwi sa mga LSIs.

Ayon kay Sec. Roque, huling batch na ito ng mga LSIs na hindi sumailalim sa PCR test bago makabiyahe pabalik sa kanilang probinsya.

Nananawagan naman si Sec. Roque sa mga receiving LGUs ng mga ito na ipasailalim sa RT-PCR test ang mga uuwing LSI at i-subject sa quarantine measures kung kakailanganin.