-- Advertisements --
Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang magkahiwalay na anti-drug operations sa Quezon City.
Aabot sa halagang P34,000 na hinihinalang shabu ang nasamsam sa 28-anyos na lalaki sa Lupang Pangako, Barangay Payatas.
Naaresto nang mabilhan ng P500 halaga ng droga ng mga nagpanggap na pulis.
Sumunod na naaresto ang suspek na 43-anyos sa Barangay San Bartolome kung saan nakuha rito ang aabot sa P68,000 na droga.
Bukod nito nasamsam din sa pag-iingat ng suspek ang isang shotgun at mga bala.