-- Advertisements --

Naging matagumpay ang unang araw ng pagsisimula ng “Celebration” tour ng beteranang singer na si Madonna.

Sa ginanap na unang stop nito sa O2 Arena sa London, ay nagkaroong ng bahagyang aberya.

Sa kasagsagan ng pakikinig ng nasa 20,000 fans ay nagulat na lamang sila dahil sa pagkatapos ng apat na kanta ay bigla na lamang ito huminto.

Matapos ang bahagyang technical problema ay kanilang naayos na ito at natuloy na ang konsiyerto.

Lalong nasiyahan pa ang fans ng singer dahil sa kasama nito ang dalawang anak na babae na sina Lourdes at Mercy na sumayaw sa kanta niyang “Vogue”.

Magugunitang makailang beses na ipinagpaliban ng singer ang kaniyang konsiyerto matapos na dapuan ito ng sakit mula sa bacterial infection.

Ang London show ay siyang una sa 78 na concert na gaganapin sa 15 bansa.