Arestado ang dalawang Amerikanong pugante na wanted sa kasong fraud and money laundering na nangyari sa Texas ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Pampanga.
Kinilala ng BI ang dalawang Amerikanong pugante na sina Robert Boling Jr. at Allan Velarde Kerr.
Ayon sa Immigration sa Angeles at Mabalacat Cities sa Pampanga naaresto ang dalawang banyaga nuong August 7, 2019 at ngayon lamang nila ito isinapubliko.
Nakatakda namang ideport pabalik sa Estados Unidos ang dalawa.
Napag-alaman na ilang taon na rin expired ang kanilang passports.
Sa datos ng Immigration taong 2011 ng dumating sa bansa si Boling habang si Kerr ay dumating nuong 2006.
Ang dalawang nahuling banyaga ay kabilang sa mga suspeks na nagnakaw ng impormasyon mula sa US Department of Defense network systems para itake overang mga bank accounts ng kanilang mga biktima at ipinadala ang pera sa kanilang mga kasabawat na mga Pilipino.