CENTRAL MINDANAO – Patay ang dalawang miyembro nang tinaguriang armed lawless group (ALG) o lost command sa engkwentro ng militar sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang mga nasawi ay mga tauhan ni Taugan, Mangudadatu alyas Kumander Taugan.
Ayon kay 601st Brigade commander Brig. Gen. Roy Galido na tumanggap sila ng impormasyon sa presensya ng grupo ni Kumander Taugan sa Sitio Matongtong, Brgy Upper Siling, Buluan, Maguindanao.
Agad na nagsagawa ng law enforcement operation ang tropa ng 40th Infantry (Masikap) Battalion Philippine Army at Buluan Municipal Police Station laban sa grupo ni Kumander Taugan.
Papasok pa lang ang mga sundalo at pulis sakuta ng mga rebelde ay agad na silang pinaputukan.
Tumagal ng mahigit isang oras ang palitan ng bala sa magkabilang panig resulta nang pagsilikas ng mga sibilyan sa takot na maipit sa gulo.
Umatras ang grupo ni Kumander Tugan patungong Liguasan Delta nang pasabugan sila ng mga sundalo gamit ang 81mm mortar.
Narekober ang dalawang bangkay ng mga rebelde at nakuha sa kuta ni Tugan dalawang M16 rifles, M653 rifle, magazines, 60 machine gun, mga bala, bandoliers, backpacks at mga personal na kagamitan.
Ang grupo ni Taugan ay sangkot sa mga kasong multiple murder, multiple frustrated murder, robbery, extortion at iba pa.
Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng militar at pulisya ang grupo ni Kumander Taugan Mangudadatu.
















