-- Advertisements --
Nakaalis ang ang unang truck na mayroong laman na 184,275 vials ng COVID-19 vaccine.
Galing ang nasabing truck sa planta ng kumpanyang Pfizer sa Kalamazoo, Michigan.
Ipapamimigay ang nasabing bakuna sa iba’t-ibang estado ng US.
Magugunitang ipinamadali ni US President Donald Trump sa US Food and Drugs Administration ang pagbibigay ng emergency authorization sa COVID-19 vaccine para sa kanilang mamamayan.














