Isinapubliko ng Professional Regulation Commission (PRC) na 1,954 sa kabuuang 18,370 na kumuha ng March 2026 Physicians Licensure Examination ang pumasa.
Ayon sa PRC, nailabas ang resulta apat na araw matapos ang pagsusulit sa iba’t ibang testing centers sa bansa.
Kaugnay nito limang examinee pa ang hinihintay dahil sa “final determination of their liabilities under the rules and regulations governing licensure examination,” habang isa naman ay hinihintay para sa karagdagang verification.
Hindi rin inilabas ng PRC ang pangalan, iskor, at paaralan ng topnotcher dahil kabilang sa mga resulta ang hinihintay.
Pangalawa sa top examinees si Alexis Bernardo Temblique mula sa Cagayan State University-Tuguegarao na may 90.58% na iskor, kasunod si Enrico Jose Pacatang Gomez ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute na may 89.92%.
Sa mga paaralan, nanguna ang Far Eastern University – Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation sa kategoryang may higit 100 examinees, na may passing rate na 94.83%.
Samantala, sa kategoryang may 50–99 examinees, nanguna ang Davao Medical School Foundation na may 87.80% passing rate.
Narito ang buong listahan ng mga pumasa na makikita sa mga link ng PRC:
Top examinees: https://drive.google.com/file/d/1oOzacOi0vpL6xxMg94I8BBwFQEv79rTm
Full list of successful examinees: https://drive.google.com/file/d/1swZ79RT6qKDKCBQQXwnINnjQVX7NVtHP/view
















