-- Advertisements --
Patay ang 19 katao at marami ang nasugatan ng sumiklab ng masunog ang isang oil tanker sa Afghanistan.
Bigla na lamang kasi nagliyab ang oil tanker ng dumaan sa Salang Tunnel na dumudugtong sa capital na Kabul.
Maraming mga sasakyan din ang nasunog sa nasabing insidente.
Aabot sa 32 mga katao ang nasugatan na dinala ang mga ito sa pagamutan.
Pansamantala nilang isinara ang 2.6 kilometro na tunnel na may taas na 11,154 talampakan.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa naganap na insidente.