-- Advertisements --

Nakatakdang magsumite ulit ang Department of Justice (DoJ) sa Department of Interior and Local Government (DILG) ng bagong listahan na naglalaman ng mga pangalan ng person deprived of liberty (PDL) na kailangang arestuhin dahil sa isyu sa good conduct time allowance (GCTA) Law.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, plano nilang kada linggo ay maglabas sila ng bagong listahan para sa mga aarestuhing ex-convict na nakagawa ng heinous crime.

Una rito, kinumpirma ni Guevarra na nasa 19 na pangalan ng mga dating inmate na nakinabang sa GCTA Law ang kanilang isinumite sa DILG para maaresto.

Dahil dito, puwede na umanong ipagpatuloy ng mga tracker team ng PNP ang kanilang pagtugis sa mga inmates.