-- Advertisements --

Matagumpay na nasagip ng mga tauhan ng Indian navy ang 19 na crew members ng isang fishing vessel na biktima ng pag-atake ng mga pirata sa Somalia.

Ito ay matapos na maharang ng Indian patrol boat ng Indian navy ang Iranian-flagged FV Omari makaraang makatanggap ng distress call mula rito.

Ang naturang hinajack na barko ay may lulang 11 Iranian at 8 Pakistani na mga tripulanteng inatake ng mga pirata.

Sa ulat ng Indian Navy, pitong pirata ang umatake sa barko na napigilan naman ng mga otoridad.

Ito ang pangatlong beses sa nakalipas na linggo na hinarang ng mga pwersa ng India ang mga barkong pangingisda na may bandera ng Iran sa lugar upang iligtas ang kanilang mga tauhan mula sa mga hijacker ng Somali.