-- Advertisements --
Kinumpirma ni Department of Foreing Affairs (DFA) Sec. Teddyboy Locsin Jr. na nakansela na ng kagawaran ang diplomatic passports ng mga retiradong ambassador ng bansa.
Sa isang panayam sinabi ni Locsin nasa halos 180 diplomatic passport na in-issue ng DFA sa mga dating opisyal ang nakansela ngayon kasunod ng kautusan ng kagawaran noong Hunyo.
Kung maaalala, nilabas ng kagawaran ang kautusan kasunod ng pagbawal kay former Sec. Albert Del Rosario na pumasok ng Hong Kong.
Sa kabila nito nilinaw ni Locsin na maaari pa ring lumapit sa tanggapan ng DFA ang holders ng mga pina-kanselang diplomatic passports para sa renewal ng naturang dokumento.