-- Advertisements --

Aabot na sa 180 aftershocks ang naitatala magmula nang yanigin ang Itbayat, Batenes ng magnitude-5.4 na lindol kahapon ng umaga.

Ayon kay PHIVOLCS Seismology Division analyst John Lery Deximo, ang mga aftershocks na ito, 26 ang dotted at 11 ang naramdaman sa naturang lugar.

Ang magnitude ng mga aftershocks na ito ay mula sa 2.2 hanggang 5.9.

Magugunitang unang niyanig ang Itbayat dakong alas-4:16 ng Sabado ng umaga, kung saan tectonic ang origin at may lalim na 12 kiloters.

Samantala, nilinaw naman ni Deximo na ang paggalaw sa fault na nagdulot ng lindol ay hindi konektado sa anumang fault na mayroon ang Pilipinas.