-- Advertisements --
DAVAO CITY – Kinumpirma ni Department of Education XI spokesperson Jenelito Atillo na abot sa 18 mga public schools sa Davao Region ang kabilang sa 100 identified public school nationwide na napili para pilot face to face classes.
Sinasabing sa 18 mga paaralan ay mula sa dalawang mga probinsya at isang siyudad sa rehiyon XI na mayt mababang kaso ng Covid19.
Hindi na sinabi ng ahensiya kung ano ang mga probinsiya o siyudad na kinokonsidera ngayon ng DepEd.
Nilinaw rin ni Atillo na hindi kabilang ang Davao City sa first batch sa pilot face to face classes ngunit isa sa mgaplano ng DepEd na ikonsidera ang ilang mga paaralan sa siyudad sa next batch nga pagpapatupad ng pilot face-to-face classes.