-- Advertisements --

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang 18 anyos na lalaking umano’y notorious hitman at pusher matapos ang isinagawang buybust operation noong Lunes ng gabi, Nobyembre 21, ng pinagsanib-pwersa ng Mabolo at Parian PNP sa Brgy. T. Padilla nitong lungsod ng Cebu.

Nakilala ang naaresto na si Jaymil Sarimugan alyas ‘Melmel’ at residente ng Brgy. Carreta nitong lungsod.

Nakumpiska mula sa posisyon nito ang maliliit na pakete ng shabu, isang 38 revolver at dalawang bala.

Inihayag ng mga pulisya na maliban sa pagiging hitman ni Sarimugan, notado din itong kawatan at ito rin ang primary suspek sa mga nangyaring shooting incident nitong lungsod.

Positibo rin umanong tinukoy ng mga witness ang suspek na siyang may kagagawan sa krimen.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165, R. 10591 at murder ang isasampa laban sa naaresto.

Nanawagan naman ang pulisya sa iba pang naging biktima nito na dumulog sa kanilang himpilan upang magsampa ng karagdagang reklamo.