Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad at inihahanda na ang kasong murder laban ang supek na pumatay sa isang 18 anyos na nursing student kahapon ng madaling araw Oktubre 15, sa Brgy. Buaya, lungsod ng Lapu-lapu.
Nakilala ang naaresto na si Rodel Cuizon, 42 anyos at residente ng nasabing lugar habang ang biktima ay kinilalang si Johanna Xyrra Selim ng Barangay Tayud, Liloan Cebu.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nilooban ni Cuizon ang apartment ni Selim at tumakas palayo dala ang cellphone ng biktima
Hinabol ng kapatid na lalaki ng biktima ang suspek at sumunod din ito.
Nang makorner ay binaril ni Cuizon ang dalaga kaya nagtamo ito ng tama sa kanyang dibdib na humantong sa kanyang kamatayan.
Samantala, naaresto ang suspek sa follow-up operation ng pulisya sa bulubunduking barangay nitong lungsod ng Cebu.
Ayon pa sa pulisya na dati na rin umano itong nakulong dahil sa pagkasangkot sa ilegal na droga.
Kasong murder at illegal possession of firearm ang isasampa laban sa naarestong suspek sa Lunes, Oktubre 17.