-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Natagpuan na lamang na palutang-lutang sa isang ilog sa Brgy. Malanduague, Kabacan, Cotabato ang bangkay ng isang dalagita.

Kinilala ang biktima na si Rasmia kumawir, 16 anyos, grade 6 student sa Malanduage Elementary School at residente ng Brgy Malanduague Kabacan Cotabato.

Ayon sa ulat ng Kabacan PNP, nakatanggap sila ng tawag patungkol sa insidente kaya agad silang nagtungo sa lugar at nagsagawa ng imbestigasyon.

Sa inisyal na resulta ng kanilang imbestigasyon lumalabas na umalis na kanilang bahay ang biktima para kumuha lamang ng kahoy para panggatong.

Hindi ito nakabalik sa kanilang bahay buhat ng umalis hanggang sa natagpuan na lang ang bangkay nito na palutang-lutang sa isang ilog.

Sa ngayon hinihintay na lamang ng Kabacan PNP ang resulta ng post mortem examination sa mga labi ng biktima upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito at kung ito ba ay talagang ginahasa muna, bago pinatay habang patuloy ang malalimang imbestigasyon sa kaso.