-- Advertisements --
Lubos pa rin ang kasiyahan ni Filipino racer Alfonsi Daquigan matapos makuha ang makasaysayang back-to-back na karera sa 2025 Asia Talent Cup na ginanap sa Mandalika, Indonesia.
Kasabay ng kaniyang kaaarawan ng makuha ng 16-anyos na racer ang titulo bilang unang rider mula sa Pilipinas nagwagi ng Asia Talent Cup.
Pagkalipas ng isang araw ay panalo naman ito sa Race 2 at naka-diretso siya sa P3 rank overall sa standing bago ang final round.
Inilarawan ng 16-anyos ang Race 2 bilang mas kalmadong karera.
Gaganapin ang Round 6 ng Asia Talent Cup sa Sepang International Circuit sa Malaysia sa darating na Oktubre 25 at 26.