-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa ligtas nang kalagayan ang isang ina matapos itong manganak habang nakasakay sa isang sasakyang bongo sa bahagi ng national highway Purok Pagkakaisa, Grino, Tacurong City.

Kinilala ang nasabing babae kay alyas “Reny”, 15 anyos at residente ng Barangay New Cebu, Lambayong Sultan Kudarat

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Pilarin L. Latawan, ang driver ng Bonggo at ninong ng babae, pinahayag nito na galing sila sa isang pagamutan upang magpatingin dahil sa sumasakit na ang tiyan ng kanyang inaanak ngunit ng tinignan ito ng doktor sinabi diumanong 1cm palang at mga sampung (10) araw pa bago ito mag-silang kayat binigyan na lamang sila ng resita para maka uwi.

Pero ng marating umano nila ang lungsod ng Tacurong bigla nalamang namilipit sa sakit ng tiyan ni alyas Reny at pumutok na umano ang panubigan nito dahilan na napillitan ang driver na si Latawan na ihinto sa tabi ng daan ang minamaneho nitong bonggo.

Agad naman na humingi ng saklolo ang tiyahin ng babae na si Risa Leal sa mga taong nasa highway na sumaklolo rin ng tawag sang isang nurse na malapit rin sa nasabing lugar.

Masuwerte naman at dumaan ang tropa ng Tacurong city PNP sa lugar kayat agad na inalalayan ang babae at anak nito para madala sa birthing home ng lungsod upang maayos ang sanggol na lalake.

Ayon naman sa midwife na siyang nag assist sa mag-ina normal naman ang mga vital sign ng dalawa maliban na lang sa timbang ng bata.

Nagpasalamat naman ang nasabing ina maging ang tiyahin nito sa mga tumulong sa kanila.