-- Advertisements --
Labis na ikinatuwa ng ilang pasaherong stranded sa Siargao island matapos makasakay sa Philippine Air Force (PAF) C130 cargo plane.
Sa post ng PAF, sinabi nitong libreng isinakay ang naturang mga pasahero pabalik ng Manila.
Kung maalala nasa 33,000 airline passengers ang apektado ng pagsasara ng ilang paliparan na napinsala ng bagyong Odette.
Kabilang na rito ang mga stranded passengers kabilang na ang mga domestic tourists.
Sa ngayon patuloy pa ang isinasawang pagsasaayos sa mga airport na apektado ng naturang bagyo.