-- Advertisements --
Umaabot na sa 130 countries ang nagkasundo na magpapataw ng global tax reform.
Ayon sa Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) nais nilang tiyakin na ang mga higanteng kompaniya ay dapat ding magbayad ng kanilang tamang buwis.

Ang bagong sistema sa pagbubuwis ay inaasahang magdaragdag ng $150 billion sa kaban ng mga gobyerno sa iba’t ibang dako ng buong mundo.
Target ng mahigit 100 mga bansa na sana maisakatuparan ito sa taong 2023.
Sinasabing mga tinaguriang global companies, kabilang ang mga dambuhalang Google, Amazon, Facebook, at Apple ay papatawan ng buwis ng hanggang 15 percent kung maipatupad na ang deal.
Gayunman may ilan pang mga estado sa EU ang tumatangging pumirma kasunduan.










