-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Umabot sa 13 pulis ng Region-12 ang nasibak sa serbisyo.

Inihayag ni Police Brigader General Bernard Tambaoan, Deputy Regional Director For Adminsitration ng Police Regional Office(PRO) 12 na kabilang ang mga ito sa 173 pulis na nahaharap sa ibat-ibang kaso sa rehiyon.

Sinabi nito sa Bombo Radyo GenSan, dalawa ang nagpositibo sa ilegal na droga habang 104 ang nananatiling nasa summary hearing dahil sa ibat-ibang kaso.

Kabilang pa sa nasibak sa trabaho ang dalawang pulis na nasangkot sa investment scam na Pulis Paluwagan Movement (PPM) habang patuloy ang hearing sa kaso ni Police Staff Sgt. Joel Cuyos matapos na masangkot sa extra-marital affairs.

Kung maalala, maraming pulis sa Soccsksargen Region ang nag-invest umano sa PPM na umabot pa sa milyones ang halaga ng investment.