-- Advertisements --

Kumpirmadong nasawi ang nasa 13 katao matapos ang malakas na pagsabog sa pinakamalaking pasilidad ng liquefied natural gas (LNG) na Ras Laffan industrial zone sa Doha, Qatar.

Ayon kay Qatari Energy Minister Saad Sherida al-Kaabi, ang mga biktima sa pagsabog ay mula sa India at Pakistan.

Nagpaabot naman ng taus-pusong pakikiramay ang Embahada ng India sa Doha sa mga naulilang pamilya ng mga nasawi sa pagsabog at tiniyak ang pagbibigay ng lahat ng kinakailangang tulong sa mga ito gayundin sa mga nasugatan.

Sa ngayon, patuloy ang paggulong ng imbestigasyon sa sanhi ng pagsabog, bagamat nauna nang napaulat na dumanas ng “technical accident” ang Barzan local gas supply facility habang sinisimulan pa lamang ang operasyon nito, matapos matigil noong Marso dahil sa malawakang pinsalang natamo nito mula sa kamakailang giyera sa Middle East.