Nakabalik na raw sa bansa ang 13 distressed Filipinos na naiipit sa Sri Lanka dahil sa nagpapatuloy na economic crisis doon.
Sa isang statement, sinabi ng DFA na ang unang batch ng mga repatriates mula Sri Lanka ay kinabibilangan ng anim na babae at dalawang lalaki kasama na ang limang menor de edad.
Ang mga Pinoy ay ay nakabalik sa bansa sa pamamagitan ng DFA ay dumating sa Pilipinas mula sa isang commercial flight sa Colombo.
Asahan umanong marami pang Pinoy ang babalik ssa bansa dahil plano nilang i-repatriate ang 114 Filipinos mula sa Sri Lanka sa ikalawang linggo ng buwan ng Agosto kapag walang magiging problema.
Patuloy naman daw na mino-monitor ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs kasama na ang Philippine Embassy sa Bangladesh at Philippine Honorary Consulate General sa Colombo ang sitwasyon at kalagayan ng mga Pinoy sa naturang bansa.










