CENTRAL MINDANAO- Posibleng ginahasa bago pinatay ang isang dalagita sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si alyas Grace at residente ng Barangay Puting Bato Banisilan Cotabato.
Ayon sa ulat ng Banisilan PNP na pumunta ang biktima sa isang birthday party sa Barangay Daraganan.
Papauwi na ang dalagita kasama ang kanyang pinsan nang madaanan sila ng suspek na si alyas Reniel na kanilang kapitbahay.
Inalok ng suspek ang biktima na sumakay sa motorsiklo para ihatid sa kanyang tahanan ngunit tumanggi ang dalagita.
Dahil sa pagpupumilit ng suspek sumama na lang ang biktima ngunit tumanggi ang kanyang pinsan.
Gabi nalang ay hindi nakauwi ang dalagita sa kanyang tahanan at natagpuan ang bangkay nito sa masukal na lugar na may sugat sa ulo na posibling ginahasa.
Bukod pa rito, natagpuan din ang motorsiklo na pinaniniwalaang pag-aari ng suspek.
Nahuli ang suspek sa hot pursuit operation ng Banisilan PNP sa Barangay Kadingilan at patuloy na iniimbestigahan.










