-- Advertisements --
Patay ang nasa 12 katao dahil sa naganap na landslide sa Colombia.
Ang nasabing aksidente ay bunsod ng ilang araw na walang tigil na pag-ulan.
Sinabi ni Civil defence director Jorge Diaz na kabilang sa mga nasawi ang dalawang bata.
Patuloy ang ginagawa nilang rescue operations sa bayan ng Quetame kung saan maraming mga kabahayan ang natabunan.
Hindi rin madaan ang ilang kalsada dahil sa natabunan ito ng makapal na putik.
Nagpaabot naman ng pakikiramay sa mga kaanak ng biktima si Colombian President Gustavo Petro.