-- Advertisements --

Nasa 12 katao ang nasawi at 65 iba pa ang sugatan matapos ang naganap na pagsabog sa Dominican Republic.

Naganap ang insidente sa Villa Valdez, San Cristobal province kung saan mayroon pang 55 iba pa ang naiulat na nawawala.

Gumuho naman ang tatlong gusali na malapit sa shopping center dahil sa lakas ng pagsabog.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang naging sanhi ng nasabing pagsabog.