Nakapagtala ang Office of Civil Defense sa Calabarzon ng kabuuang 112 konsultasyon dahil sa komplikasyon may kinalaman sa volcanic smog mula sa bulkang Taal na naitala ng
Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, ang mababang kalidad ng hangin sa Calabarzon ay napilitang suspendihin ang mga klase sa 45 lungsod at mga bayan sa lalawigan ng Batangas, Cavite at Laguna.
Nagbunsod ito sa OCD Calabarzon na mag-convene nitong nakalipas na hapon ng Biyernes, Setyembre 22 para makipag-coordinate sa nagpapatuloy na response operations kaugnay sa vog mula sa Taal.
Kaugnay nito, binigyang diin ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang kahalagahan ng napapanahong koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan, regional at local government counterparts nito para matiyak ang kaukulang paghahanda at response interventions sa mga apektadong komunidad.
Bilang tugon tiniyak naman ni USec. Nepomuceno sa mga apektadong residente na nakalatag ang mga preparedness measures ng pamahalaan para tugunan ang sitwasyon.
Inabisuhan din ni Nepomuceno ang publiko na limitahan ang paglabas o outdoor activities at manatili na lamang muna sa indoor , isara ang mga bintana at pintuan, uminom ng tubig upang maiwasan ang iritasyon sa lalamunan at humingi ng medical attention in case of emergency.