-- Advertisements --
Tinanghal bilang pinakamatandang nabubuhay na tao sa buong mundo ng Guinness World Record ang 111-anyos na lalaki sa Britanya.
Si John Tinniswood mula sa Southport ay may edad na 111 taon at 223 araw.
Sinabi nito na wala naman itong sikreto sa mahabang buhay dahil kumakain ito ng mga battered fish at chips araw-araw.
Lahat aniya na ibinibigay sa kaniya mula sa care home sa Southport ay kaniyang kinakain at walang diet meals ito ng sinusundan.
Itinuturing niya na suwerte lamang ang pagiging buhay ng ganiyang katagal.
Iginawad sa kaniya ang titulo matapos na pumanaw ang may hawak nito na si Juan Vincente Mora mula Venezuela na namatay sa edad na 114.