CAUAYAN CITY- Labing isa ang panibagong nagpositibo sa COVID-19 sa Cauayan City ngayong araw .
Una ay si CV2746, babae, 22 anyos na bank teller, may-asawa at residente ng Barangay District I,
.Siya po ay nagkaroon ng travel history sa Cordon at nakaranas ng pagkawala ng pang-amoy at panlasa at nasa quarantine facility na.
Naitala ang pangalawang nagpositibo na si CV2747, 3 anyos na batang lalaki, residente ng Cabaruan, Cauayan City at may contact sa kanyang ama na si CV 2685 .
Siya ay asymptomatic at naka strict home quarantine simula noong maideklarang positibo si CV 2685.
Pangatlo na naitala ay si CV 2751, 27 anyos na lalaki, encoder na residente ng Barangay Marabulig na direct contact ni CV 2664.
Siya ay nakaranas ng sipon at pamamaga ng lalamunan at bilang direct contact ay nakastrict home quarantine na sa kanilang bahay simula pa lang ng maideklarang positibo si CV2664.
Pang-apat ay si CV 2753, 18 anyos na lalaki, residente ng Barangay San Fermin na direct contact ni CV2661 na nasa strict home quarantine at walang nararamdamang sintomas ng virus.
Pang-lima ay si CV 2756, 23 anyos na dalaga, sekretarya ng isang construction company na residente ng Barangay District III.
Siya ay nakaranas ng sintomas tulad ng ubo, pamamaga ng lalamunan at pagkawala ng panlasa na naka strict home quarantine .
Pang-anim ay si CV 2757, 54 anyos na lalaki, may asawa , residente ng Barangay Distrcit 1.
Nakaranas siya ng lagnat, ubo, sipon, pamamaga ng lalamunan, pananakit ng katawan at wala siyang history of travel.
Inaalam pa kung saan niya maaring nakuha ang virus at siya ay naka strict home quarantine.
Sumunod si CV 2758, 48 anyos na babae , may asawa, residente ng Labinab, Cauayan City na direct contact ni CV 2607.
Pang-walo si CV 2760, 12 anyos na lalaki, residente ng Barangay Tagaran na direct contact ng ama na si CV 2628, walang nararamdamang sintoma .
Si patient CV 2779 ang pangsiyam, 22 anyos na dalaga, isang respiratory therapist sa isang pagamutan at residente ng Barangay District 1.
Pang-10 si patient CV 2755, 28 anyos na binata,salesboy, residente ng Barangay San Fermin at may direct contact sa kanyang pinsan na si CV 2579 na ngayon ay nasa LGU Quarantine Facility.
Pang-11 si CV 2774, 61 anyos na babae, may asawa, residente ng Barangay San Fermin, closed contact ng kaniyang manugang na si CV 2580.
Walang nararamdamang anumang sintomas ng virus at naka strict home quarantine.