CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatapos na umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Sandahang Lakas ng Pilipinas ang natitirang 11 guerilla fronts ng Communist Party of the Philippines -New People’s Army (CPP-NPA) sa loob ng taong ito.
Paglalahad ito ni Philippine Army spokesperson Colonel Louie Dema-ala sa Bombo Radyo Philippines habang tinalakay nito ang kahandaan ng state forces patungkol sa gugunitaing anibersaryo ng NPA sa darating na Martes Santo.
Sinabi ni Dema-ala na binigyan umano sila ng marching order ng commander-in-chief na kung maari ay malipol na ng tuluyan ang nabanggit na arm wing fronts ng NPA upang makapag-focus na para sa external secucity concerns ang bansa.
Dagdag ng opisyal na tanging pinagtuunan nila ng pansin ay ang area of operations ng 3rd Infantry Division ng Visayas region maging sa Northern Mindanao at Caraga regions ng Mindanao ng 4th Infantry Division,Philippine Army kung saan makikita ang 11 combatant fronts ng CPP-NPA.
Paliwanag pa nito na bagamat miutiring na banta pa ng seguridad ang natitira 11 guerilla fronts subalit watak-watak at patagu-tago na lang ang mga ito dahil sa walang tigil na mga operasyong-militar sa ilang bahagi ng bansa.










