-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Nasa 11 Al-Khilafa Philippines (AKP) members na dating pinamumunuan ni Mohammad Jaafar Maguid ang nakatanggap ng cash assistance mula sa pamahalaan.
Ito ang kinumpirma ni Lt. Col Datu Jaspe Diamalol, tagapagsalita ng Task Force GenSan sa panayam ng Bombo Radyo GenSan.
Inihayag nito na bawat isa ay nabiyayaan ng P5,000 cash at food packs ang dumating sa lungsod si DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista at kasama nito ang ilang mga regional directors ng ahensya.
Ayon kay Diamalol, ang former rebels ay sumuko sa kanila noong 2018-2019 at ngayon ang ilan ay nagtatrabaho sa GenSan at Maasim Sarangani Province subalit tiniyak na kanilang mahigpit na pagmo-monitor.